Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Right after ng kanyang "graduation" sa Goin' Bulilit na pinag-usapan last week, muli na namang mapapansin ang galing ng child star na si Sharlene San Pedro in this week's episode of MMK.

In her most challenging and dramatic role to date, gagampanan ni Sharlene ang papel ni Edlyn, isang batang gagawin ang lahat, mapanatili lang ang kanyang pamilya.

Makakasama ni Sharlene dito si Ina Raymundo at ang nagbabalik na kontrobersyal, pero napakagaling na aktor na si Baron Geisler.  Episode is directed by Dado Lumibao.

With a script written by Maan Dimaculangan, Direk Cathy handles Kim for the first time, and this is the first time in six years that the director once again handled an episode for the award-winning drama anthology.

Maituturing ngang maswerte si Kim dahil nahawakan siya ng direktor for the first time.  

Maraming firsts, first time kong makatrabaho si Direk Cathy, 1st time kong makatrabaho and mameet si Edgar Allan. Ito parang lovestory ng isang babae na laging iniiwan. Iniwan na siya ng Daddy niya, iniwan pa siya ng 1st boyfriend niya, iniwan pa siya ng 2nd boyfriend niya, so parang kwento ng babaeng dapat maging strong at maraming challenges sa buhay na hinarap

Ayon kay Kim.  Aminado rin itong lubos siyang kinabahan kay Direk Cathy dahil first time ito at first time rin nilang magkatrabaho ni Edgar Allan Guzman, na one of the emerging young leading men ngayon especially in Indie films.

Don't miss this very special episode of MMK ngayong Sabado!

Blog EntryAug 3, '11 11:02 PM
by ABS-CBN for everyone
Hanggang saan ka dadalhin ng pait na dulot ng trahedyang hindi sinasadya?

Nagbabalik ang multi-awarded actress na si Gina Pareno sa MMK ngayong Sabado as she portrays a grandmother na kinasapitan ng isang malagim na aksidente-- napatay ang kanyang dalawang apo ng isang aksidenteng hindi sinasadya.

Makakasama ni Gina sa nasabing episode si Noni Buencamino, Rochelle Barrameda sa espesyal na episode na ito na isinulat ni Ruel Montanez at dinirek ni Nuel Naval.

Through the years ay binigyan tayo ni Gina ng mga di malilimutang mga pagganap sa MMK kaya expect another award-winning performance from the veteran actress ngayong Sabado!

Blog EntryJul 15, '11 2:26 AM
by ABS-CBN for everyone
Erich Gonzales stars as Grace, an illegimate child who fights for her right to dignity. Albie Casino, Ana Capri, Cris Villanueva also star in this episode directed by Nick Olanka.


Isang espesyal na Fathers' Day episode ang handog ng MMK ngayong Sabado starring no less than Piolo Pascual sa isang naiibang papel para sa kanya! 

"Isang chance of a lifetime yung role na ginagampanan ko kasi popular sa atin yung tricycle driver na nagsoli ng pera sa may-ari, ang story niya kasi medyo hirap sila sa buhay pero pinili pa rin niyang isoli unahin ang tamang bihira natin makita ang buhay ng isang tricycle driver," Piolo sates. "dito makikita natin anung pinagdadaanan ng isang regular na tao yet pag dumaan sa temptasyon pipiliin pa rin yung tama,  handog namin to sa lahat ng tatay na ang priority ay pamilya, tatay na gagawin ang lahat wag lang madungusin yung pangalan nila, wag lang madungusin yung pamilya nila"


Sa loob ng maraming taon, nilabanan ni Gretchen ang pagkalagas ng kanyang buhok. Ito ay during her teenage years, panahon kung saan mas malupit ang mga mata, mapanukso ang mga tao sa paligid, at mas madaling panghinaan ng loob ang isang tao.

Ito ang tatalakaying kakaibang true story ng patuloy pa ring nangungunang drama anthology sa bansa, ang MMK. Sa pagbibida ni Nikki Bacolod bilang Gretchen, tunghayan kung paano niya tatahakin ang malupit na landas na ito sa kanyang buhay.  Sa kakaibang pagdidirihe ni Dado Lumibao, ang kadalasa'y nakakatawang pangitain ay madalas na mapait na dinadala ng mga taong hindi pinagpalang maging mapalad sa kanilang itsura.

Huwag kakalimutang panoorin ang episode na ito ngayong Sabado ng gabi sa ABS-CBN!


Ano ang magtutulay sa mga pusong gustong magtagpo at maging isa?

Ito ang masalimuot na kwento ni Nikko (na gagampanan ni Aaron Villaflor) sa mapapanood na episode ng MMK ngayong Sabado ng gabi.  Shot in Manila and Tacloban, isa itong nakakaantig na episode ng isang lalaking buong buhay ay naghahanap ng pagmamahal sa isang pamilya.

Sa direksyon ni Jerry Sineneng at Benson Logronio, makakasama ni Aaron dito si Daria Ramirez, Jairus Aquino, Nikki Valdez, Jeffrey Santos, Eric Fructuoso at Lui Villaruz.

Kontrobersyal na episode ang mapapanood ngayong Sabado ng gabi sa MMK! Kinatatampukan nina Ian de Leon at Kaye Abad na gaganap bilang magkapatid, mapapanindigan kaya ng kanilang mga karakter ang mapait na kinasapitan ng kanilang mga buhay nang maging magkarelasyon ang kanilang mga karelasyon? Makakasama rin nila sa nasabing episode si Desiree del Valle at Manuel Chua.

'Yan ang aabangang episode ngayong Sabado sa direksyon ni Nuel Naval!

A touching story of a woman with extraordinary faith that saw her through life’s most trying moments. It highlights her journey as she faced tragedies and losses with utmost strength and acceptance.  

The special episode serves as a tribute to mothers who gives their all for their families. It stars the box-office queen Aiai delas Alas, best known for her "Ina" roles, but this time in a dramatic turn. Aiai's episodes in MMK have always been interesting as this showcases another facet to her acting range. It also stars John Arcilla, John Wayne Sace, BJ Flores, Lester Llansang.  Episode is directed by Nuel Naval.

Ngayong Sabado, saksihan ang naiibang Sam Milby sa MMK.

Naiiba dahil sa unang pagkakataon, gagampanan niya ang isang karakter na kakaiba dahil sa kanyang itsura, at kakaiba dahil sa kanyang pinagdaanan at hinaharap na mga pagsubok sa buhay.

Nang dahil sa isang aksidente, masisira ang kanyang buhay at ang kanyang hilig sa musika. Nasunog ang katawan, at nagkadikit-dikit ang mga daliri na dating sanay at gamay ang piano at organ.

Sa pagkawala ng kanyang gana sa buhay, makikilala niya si Andrea, na gagampanan ni Cristine Reyes. Maibabalik ba ni Andrea ang buhay kay Charles? Maibabalik ba ni Andrea ang pagmamahal ni Charles sa kanyang musika at ang kakayahan nitong magmahal muli?

This MMK episode marks Sam's return to the esteemed drama anthology and pairs him for the first time with Cristine Reyes.

Blockbuster director of the hit "Catch Me... I'm In Love" Mae Cruz megs the episode.


Saksihan ang napakagandang kwento ng pagmamahalan ng magkapatid at pagharap sa matinding pagsubok ng buhay.

Sa direksyon ni Dado Lumibao, pagbibidahan ito ni Bugoy Carino at sa kanyang huli at natatanging pagganap, ni AJ Perez.  

Paano kung ang sarili mong ama ang nagiging pinakamalaking hadlang sa iyong kaligayahan?

Ito ang nakakagimbal at nakakaantig na tema ng episode ng MMK ngayong gabi na pagbibidahan nina Jessy Mendiola, Ejay Falcon at Mark Gil.

Sa direksyon ni Jeffrey Jeturian, ang true to life story na ito ay siguradong pupukaw ng atensyon ng mga manonood dahil sa napakatapang na tema ng relasyon at ng obssession.

Don't miss this intriguing episode this Saturday!

Kapag hindi ka galing sa sinapupunan ng magulang na iyong kinilala, may puso ka bang gawin rin ito sa sarili mong anak?

Sanay tayong nakikita si Pokwang sa mga comedy roles in which she excels in. Pero ngayong Sabado, see Pokwang in another breakthrough role ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya as she portrays Carol, isang babaeng ipinaampon ng kanyang ina. Sa pagsapit niya sa tamang edad, naharap din siya sa kaparehong sitwasyon.

Matatandaang lahat ng mga ginampanan ni Pokwang sa MMK episodes noon ay naging markado, kaya naman magiging kaabang-abang na naman ang episode na ito.

Maitatama ba niya ang landas na dinadaanan ng kanyang anak at mapapatawad ba niya ang sariling ina?  

Melai Cantiveros also stars as she plays young Carol in this episode directed by Veronica Velasco and written by Rose Colindres.  

Pagkatapos ng matagumpay na pagpapalabas ng kwento ng buhay ni Angeline Quinto, mapapanood naman ngayong Linggo ang kwento ng buhay ng Pilipinas Got Talent Grand Winner na Jovit Baldovino!

Sa direksyon ni Nuel Naval, bibigyang buhay ni Carl John Barrameda ang buhay ni Jovit. At sa kwentong ito, makikita ang pinagdaanan ng young singer na nagsumikap magtagumpay sa kabila ng mga batikos at panlalait sa kanyang pagkatao.

Isang kakaibang story ang mapapanood natin bukas sa longest running drama anthology in Asia, ang Maalaala Mo Kaya. Ang special episode din na ito ang itinuturing na pagbabalik-telebisyon ni Gabby Concepcion. Ilang buwan na rin kasing namahinga pansamantala ang aktor sa pag-arte at ngayon ay muli siyang mapapasabak sa drama.

Ako’y isang pulis dito, makakasama ko si Bangs Garcia. Dito maipapakita kung paano mapapagkatiwalaan yung isang tao, bibigyan mo siya ng kalayaan. Doon mo papakita na sa pagbigay mo ng kalayaan mas lalo kang mamahalin. Yung una kong MMK was in the 90s, magaganda kasi yung istorya ng MMK. Nangyayari talaga sa buhay,” pahayag ni Gabby.

Ngayon raw ay pinipili na ni Gabby ang bawat project na kanyang ginagawa. Iba raw kasi ang fulfillment sa sarili kapag magaganda ang nagagawa niyang mga proyekto. “Namimili ako ng istorya para sa audience ko, I owe it to them, gagawa lang ako kung kakaiba. Kung ano yung magandang istoryang ipapakita ko sa kanila,” dagdag pa ng aktor.

Samantala, masayang-masaya naman sina Bangs Garcia at Rodjun Cruz dahil nakasama sila sa special episode na ito ng MMK. Itinuturing daw nila itong fulfillment para sa kanila. “Natutuwa ako na binigyan ako ng opportunity na magkaroon ng lead role sa MMK. Sinisigurado ko na hindi sila magsisisi sa pag-pick sa akin, papakita ko sa kanila na karapat-dapat ako. Gusto kong maging versatile,” pahayag ni Bangs. “Kapag may ibinibigay sa akin na role, talagang ginagalingan ko. Abangan n’yo itong MMK naming, sigurado akong mai-inlove kayo, luluha at tatawa kayo dito,” pahayag naman ni Rodjun.

BELOW ARE SOME QUOTES OF KC CONCEPCION IN HER RECENT INTERVIEW:

"Nung nag-asap kami last Sunday, nakita ko siya (Angeline) sa hallway. Sabi ko uy, baka ako mag MMK ng buhay mo... Ang dami pala niyang pinagdaanan, relationship niya ng papa niya kakaiba kasi di sila close supposedly, may mga away, may mga misunderstanding sila. sa mukha niya makikita mo marami siyang pinagdaanan. Marami pa siyang di kinukuwento. Sana mas mahalin niyo po si Angeline kapag napanood niyo na ito"

" This is the first time that I am back in TV for acting, siguro one year na nakalipas, masarap siya for me. Nalagpasan ko na yung point ng pressure ng tatlong taon na dumating ako"

SA DARATING NA SABADO, MULING HATID NG MMK ANG ISA NA NAMANG LOVE STORY NA MAGDADALA NG INPIRASYON AT KILIG! ISANG KUWENTO TUNGKOL SA PAG-IBIG NA HANDANG PANINDIGAN AT IPAGLABAN!

Shaina:  Ako si Cristy, nagtatrabaho ako sa kumpanya namin, simple, makatao, ayaw niya ng special treatment, mamemeet ko si Jawo, yung character ni Rayver Cruz tapos maiinlove ako sa kanya pero dahil sa physical na kaanyuan niya, di siya tanggap ng tao pati pamilya ko. Dito makikita niyo kung paano siya ipinaglaban ni Cristy sa pamilya niya.

Rayver:  Isa akong half African American and half Pinoy. Sa pinagtatrabahuhan ko parang boss ko siya. Nagkagusto ako sa kanya tapos tuloy tuloy na.
 
HINDI LAMANG ITO PANIBAGONG MMK EXPERIENCE FOR SHAINA AND RAYVER, ISA RING REUNION PROJECT PARA SA KANILANG DALAWA!

Shaina: It’s been years! Sobra na naming tagal di nagtatrabaho. Ang laki ng pinagbago niya off cam nung last ko siyang nakatrabaho. Pala biro pa rin naman siya ngayon pero in a mature way, parang nagbinata. Medyo talagang naghiwalay ng landas namin, at least ngayon nagkita ulit kami, medyo yung mga may gusto sa loveteam namin, kahit paano mapasaya sa amin this Valentine’s season.

Rayver:  Nung tinext sa akin na makakasama ko si Shaina, naexcite ako, tagal na naming di nagkakatrabaho as in years na, mga four years. Nakakatuwa kasi si Shaina everytime na magkakaroon ng trabaho yan makikita mo yung maturity niya, yung pag evolve niya sa acting niya. Dahil nga magaling na artista, madadala ka rin sa mga eksena. Sana po abangan niyo itong MMK namin ni Shaina, napakagandang storya, sa darating na Sabado. 

Tuluy-tuloy pa rin ang selebrasyon ng Valentines' sa MMK ngayong Sabado as it brings together once again Matt Evans and Melissa Ricks sa isang love story na tiyak na kapupulutan ng aral at inspirasyon ng maraming kabataan ngayon. Gagampanan nila ang papel nina Bobit at May, respectively, two young lovers, na sa kabila ng paglipas ng panahon at pagsubok ay pinangibabawan pa rin ng pag-ibig at pagmamahal.

Don't miss this very special episode ng MMK sa direksyon ni Roni Velasco!

Ang romantic comedy queen ng movies, masasabak sa kakaibang love story ngayong sabado sa MMK!

May pinipiling edad nga ba ang true love?

Pagbibidahan ni Toni Gonzaga ang isang espesyal na episode ng programa kasama si Nash Aguas. Sa direksyon ni Dado Lumibao, bibigyang buhay ni Nash at Toni ang isang kwento ng pag-ibig na madalas nating maranasan noong tayo ay nasa murang murang edad pa.

Huwag palalampasin ang episode na ito ngayong Sabado!

Isang natatangi at heartwarming episode ang ihahatid ng MMK ngayong Sabado tungkol sa isang pag-iibigang madalas nating hindi binibigyang atensyon-- ang pagkakaibigan ng mga batang paslit.

Ito ang tampok na kwento sa longest-running drama anthology sa buong Pilipinas starring Abby Bautista and Amy Nobleza  sa direksyon ni Nuel Naval. Pasukin natin ang mundo nina Daniella at Lira, na sa murang edad ay susubukin na ang lalim ng pagkakaibigan.

Pakatutukan!

Pages:1234
maalaalamokaya
Join this Group!Add to My Yahoo
Report Abuse